Bahala na si Karma.

Sa panahong ngayon, hindi na uso ang pagbabalik sayo ng utang ng loob ng tapat. Uso na kasi ang mga mandurugas kahit sa mismong maliliit na bagay eh nakakadamoves pa rin.

Ika-30 ng Setyembre 2014, Martes, mga alas-7:30 ng umaga ay bumiyahe na ko pa-eskwela kahit na alas-10 pa ang aking klase. Buti’t nakahanap ako ng maluwag na jeep kaya sumakay na ko. Nagbayad ako kay manong driver ng pasahe: ang aking binayad ay Php100.00, ang pasahe ay papunta sa aking unibersidad ko ay Php22.00 (student fee), kaya maghihintay ako ng sukling Php78.00

"Yung sukli po sa isang daan ay maya na lang po." Naintindihan ko yun kase Tagalog ang ginamit na lenggwaheni kuya at syempre alam kong wala siyang panukli dahil naubusan. Mga 10 minutong lumipas ay iniabot na ni kuya ang sukli. Binilang ko ang perang ibinigay ni kuya: 3 vente pesos, at 3 limang piso. Nagtataka ako kung nasaan napunta ang 3 piso. "Php75.00 ang sukli, Php25 yung pasahe ko?!" sabi ko sa isip ko. Magrereklamo na sana ako kaso hindi ko nagawa dahil sinabi ng mini angel na nasa kanang balikat ko na, "Huwag mo nang isipin ang sukli. Yaan mo na, tip mo yun kay kuya. Mahabag ka sa namamasada." Dapat sana pipigilan iyon ng mini demon na nasa kaliwa kong balikat, "Tip ka dyan. Tanga! Pera rin yun, pamasahe mamaya! Wag kang magpapatalo dyan sa inutil na yan. Dat makonsensya talaga yung driver na yan! Bobo sa math!"

Dahil nga di naman ako mahilig gumawa ng eskandalo at magrereklamo lang pag sobra sa sobra ang ginawang mali, hinayaan ko na lang na mawala sakin ang tatlong piso ko kahit na gaano ko siya kailangan mamaya para sa pamasahe ko pauwi. Talaga namang pati sa paglalakbay eh kailangan pa ring magsakripisyo halintulad sa love. Naalala ko tuloy kung paano ginawang “sakripisyo” si Bonifacio upang mapaunlad lang ang kalagayan ng Pilipinas nung mga araw (lesson namin sa Philippine History). Pero then I had this thought na, “Mukha ba kong regular para sa student fee??” Bigla ko tuloy naalala nung mga oras na pauwi ako saming subdivision eh nagbayad ako ng sampung piso at inemphasize ang mga salitang “ESTUDYANTE PO" nung nagbayad ako. Aba nama’y dos lang ang naging sukli ko nun. Nasa may likuran lang ako ng driver tas DOS LANG?!?!?! Ano ba namang pitong puting tupa talaga!?

Siguro nga madugas ang mundo ngayon dahil binigyan mo ng sobrang kabaitan ang isa, aabusuhin at aabusuhin niya rin ito. Okay lang namura ko naman siya sa aking isipan at nagsagawa na rin ako ng tahimik ngunit taimtim na orasyon upang makarma siya sa ginawa niyang kalokohan. Karma will come back for you, nigga.

I think I should tell you what people are saying behind your back…

beben-eleben:

"Nice ass."

image

#lol
He’s really pure, sensitive and delicate. In my heart, I call him Mikorin.